Maute group sa Marawi kumpirmadong
gumagamit ng drones — militar

June 20 2017 2:00 PM

Marawi-City

Kinumpirma ng Western Mindanao Command o WESMINCOM ang paggamit ng Maute group ng drones upang mamonitor ang kilos ng militar.

Ayon kay Lieutenant General Carlito Galvez, Commanding General ng Western Mindanao Command, naka-recover sila ng dalawang drones sa isa nilang operasyon maliban pa sa mga armas.

Kumbinsido si Galvez na paubos na ang bala ng mga terorista dahil iniiwan na nila ang kanilang mga baril kapag inaabandona ang kanilang posisyon.

Samantala, umaasa ang militar na magtutuloy-tuloy ang implementasyon ng Martial Law hanggang sa malinis nila mula sa mga terorista ang Marawi City.

Ayon kay Galvez nakapanghihinayang kung mauuwi sa wala ang pagsisikap nilang mabawi sa kamay ng mga terorista ang Marawi City at agapang kumalat ang terorismo sa mga karatig na lugar sa Mindanao.

Gayunman, sinabi ni Galvez na handa naman nilang i-pull out ang mga sundalo sa Marawi City sakaling ipabawi ng Korte Suprema ang martial law.

“We continue na makuha ang main group ng Maute at ISIS, malapit nang matapos, sana tuluy-tuloy na hanggang matapos,” pahayag ni Galvez.

Comments

MOST READ POSTS