Abandonadong bahay ng Maute tinaniman ng bomba-Westmincom

June 16 2017 2:34 PM

Nag-iwan ng mga bomba ang Maute group sa maraming bahay na kanilang kinubkob sa Marawi City.

Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, commanding general ng Western Mindanao Command (Westmincom), ito ang dahilan kaya’t natatagalan sila sa kanilang clearing operations sa mga barangay na nabawi na nila mula sa Maute group.

“Noong nagki-clearing po ng bahay, iyong special forces po natin ay nagkaroon ng improvised explosive device (IED)shrapnel, mga pako po ang tama nila, ang nakikita natin na ang ginagawa ng ating mga kalaban is nag-iinplace ng IED so iyon ang medyo nagdi-delay sa aming speed kasi nakalagay sa mga bahay,” ani Galvez

Ayon kay Galvez, sa nagdaang limang araw ay malaking ground ang nakuha nila mula sa kamay ng Maute sa Marawi City.

Gayunman, tumanggi si Galvez na sabihin kung hanggang kailan pa tatagal ang labanan.

“Ang Moncado colony nakuha na natin, partly po ng buong colony na iyon, may mga areas lang na nahirapan kaming kunin in almost two days ngayon nakuha na natin,  marami tayong body counts na nakuha, sniper kills na nagawa, may mga sub leaders tayo na na-identify,” dagdag ni Galvez.

 

Maute hostages

Samantala, tukoy na ng militar ang kinaroroonan ng mga bihag ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, commanding general ng Western Mindanao Command, maliban sa mga bihag, natukoy nilang may mga residente pa ring naiipit sa ilang mga lugar.

Ang mga sibilyan at ang mga bihag aniya ang pangunahin sa kanilang konsiderasyon kaya’t hinay-hinay lamang sila sa pag-usad sa mga lugar na kontrolado ng Maute group sa Marawi City.

Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng pag-atake ng Maute sa Marawi City noong Mayo 23 ay binihag na nila si Father Teresito Suganob at iba pang tauhan ng kanyang simbahan sa Marawi City.

“Ang primary considerations natin ay mga hostages at lives ng mga trapped civilians, iyan po talaga ang medyo nagpapatagal sa atin kasi habang lumalapit tayo sa pinaka-sentro alam po natin ang locations ng ating trapped civilians, andun pa rin po, there are still a lot of civilians inside, may mga monitoring kami, we cannot divulge the information due to operation matter,” pahayag ni Galvez

 

 

Comments

MOST READ POSTS