NEDA hindi kinunsulta sa pagtanggi
ng Pilipinas sa tulong ng EU

May 18 2017 2:33 PM

Hindi kinunsulta ng Palasyo ng Malakanyang si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia sa naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang tanggapin ang tulong European Union sa Pilipinas.

Ayon kay Pernia, hindi siya tinanong ukol sa nasabing usapin at hindi ri natalakay sa Cabinet meeting ang pagtanggi ng Pilipinas sa tulong ng EU.

Una rito, inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na Department of Finance (DoF) na pinamumunuan ni Finance Secretary Sonny Dominguez ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na huwag nang tanggapin ang tulong ng EU.

Ayon kay Pernia, hindi ito government policy kundi lumalabas na reaksyon lamang ito sa kritisismo  ng EU sa human rights violations sa Pilipinas kasunod ng Duterte anti-drug war.

Umaasa rin ang chief socio-economic planning secretary na babawiin din ito ng gobyerno.

Comments

MOST READ POSTS