Ormoc City niyanig ng
magkasunod na lindol

July 10 2017 11:17 AM

 

Niyanig na naman ng malakas na lindol ang Leyte ngayong umaga, June 10.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang 5.4 magnitude na lindol ng 9:41 ng umaga sa Ormoc City, Leyte.

Nabatid na tectonic ang origin ng lindol.

Naramdaman naman ang Intensity VI sa Ormoc City,  Intensity V sa Kananga, Leyte, Intensity IV sa Mayorga, Leyte at Tacloban City; Mandaue City at Intensity III sa Loay at Jagna, Bohol; Cebu City.

Naramdaman naman ang  Intensity II sa Lapu-Lapu City; Cadiz City, Negros Oriental.

Makalipas ang walong minute, muling niyanig ng 3.3 magnitude na lindol ang Ormoc City, Leyte.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Kananga, Leyte.

Comments

MOST READ POSTS