P1,000 dagdag SSS pension, aprubado na ni Duterte

February 22 2017 4:22 PM

 

Image from JM Saranza
Image from JM Saranza

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 dagdag pension sa mga pensioners ng Social Security System.

Nabatid na ngayong Miyerkules, Pebrero 22 lamang nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memorandum para sa pamunuan ng SSS.

Ang P1,000 ay unang bahagi ng P2,000 dagdag pension na ipinangako ng pangulo.

“Upon presentation made by SSS, and subject to existing laws, rules and regulations, please be informed that the P1,000 increase in benefits of qualified SSS retirees, survivors and permanently disabled pensioners effective January 2017, has been approved,” nakasaad sa memorandum.

Samantala, sinabi ni SSS President Emannuel Dooc na dahil sa retroactive ang dagdag pension, ay mayroong itinakdang schedule sa pagbabayad sa pensioners.

Para aniya sa buwan ng Enero, matatanggap ang P1,000 dagdag pension sa Marso 3, 2017; para sa buwan ng Pebrero, sa Marso10,2017; at sa buwan ng Marso, ito ay matatanggap sa Marso 17, 2017.

“Starting April 2017, the additional P1000 increase shall be incorporated in the regular pension,” pahayag ni Dooc.

Comments

MOST READ POSTS