P360M halaga ng shabu
nasabat sa Las Piñas

June 14 2017 5:10 PM

illegal drugs-dela rosa-las piñas

Nasabat sa isang bodega sa Las Piñas city ang 72 kilo ng iligal na droga.

Tinatayang P360 milyon ang halaga ng nakuhang shabu na nakalagay sa styrobox, nakabalot sa aluminum foil at tinabunan pa ng tuyong isda.

Sa bisa ng isang search warrant, isinagawa ang operasyon ng mga kagawad ng PNP-Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tiongquiao St., Martinville Subd., Barangay Manuyo sa nasabing lungsod.

Naka-address umano ang warehouse sa isang Cheng Teho Chan na una nang naaresto noong Hunyo 3 sa Parañaque City.

Maliban sa iligal na droga, may nakita ring mga makina sa ikatlong palapag at maaaring doon itinatago ang mga shabu para maipasok sa bansa at sa nabanggit na warehouse.

Sumugod naman sa lugar si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa; Chief Superintendent Tomas Apolinario,Southern Police District director; at NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde para inspeksiyunin ang mga nakalap na ebidensya.

Comments

MOST READ POSTS