Pacquiao, naglaro ng piano dahil sa boring na laban nina Mayweather at Berto

September 13 2015 2:25 PM

Pinagtawanan lamang ni Pambansang Kamao Representative Manny Pacquiao ng Sarangani ang boring na laban nina Floyd Mayweather Jr. at Andre Berto na ginanap sa MGM Grand Arena.

Sa kanyang Instagram post, sa halip na manood sa laban, naglaro na lamang si Pacquiao ng piano sa kanyang smartphone.

What I do when I’m bored. Hehe

A video posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Nakalagay pa sa post ni Pacquiao na “What i do when I’m bored, hehe.”

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Berto sa pamamagitan ng unanimous decision.

Napanatili ni Mayweather ang perfect career record na 49-0 kung saan katapat na nito ang benchmark na itinakda ni dating Heavyweight champion Rocky Marciano.

Hawak naman ngayon ni Berto ang record na 30-4.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon na natalo si Berto sa huling pitong laban nito.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Adobo Mix | Entertainment | Lifestyle | Sports | Business | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS