Petisyon vs pagpapalawig sa deadline
ng paghahain ng SOCE, ibinasura ng SC

June 28 2016 3:28 PM

Image from WikiMedia.org
Image from WikiMedia.org

Dahil sa teknikalidad, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwestiyon sa ginawang pagpapalawig ng deadline ng Commission on Elections (Comelec) sa paghanain ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE).

Ayon sa Korte Suprema, nabigo ang petitioner na si Atty. Manuelito Luna na maglakip ng kopya ng kinukuwestiyong resolusyon ng Comelec.

Ang inihain lamang ni Luna kalakip ng petisyon ay kopya ng news report kaugnay ng naging boto ng mayorya sa Comelec en banc.

Dahil dito, depektibo umano ang petisyon.

Ang pagbasura sa petisyon ay alinsunod sa itinatakda ng Section 5, Rule 64 ng 1997 Rules of Civil Procedure na nagtatakda na sapat na maging batayan ng pagbasura ang kabiguan ng partido na makasunod sa requirement kaugnay ng paghahain ng kaso.

Noon lamang nakalipas na linggo lumabas ang Comelec Resolution na nagpapalawig sa paghahain ng SOCE hanggang June 30, pero ang petisyon ni Luna laban dito ay inihain noon pang June 20. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS