PNP AIDG naghain
ng motion for reconsideration

June 28 2016 3:22 PM

Pormal nang iniapela ng Philippine National Police Anti Illegal Drugs Group (PNP AIDG) ang ginawang pag-abswelto ng Department of Justice (DOJ) Task Force sa kasong iligal na droga laban kay Marine Colonel Ferdinand Marcelino at sa kapwa niya respondent na si Yan Yi Shou.

Ayon kay Supt. Enrico Rigor ng PNP AIDG, ito ay sa pamamagitan ng inihain nilang Omnibus motion.

Kasama rin sa kanilang isinumite ay ang motion for reconsideration at karagdagang ebidensya sa hangad na mabaligtad ang naunang pag-abswelto kina Marcelino.

Paliwanag ni Rigor, ang bagong ebidensya na kanilang isinumite ay ang audio recording na naglalaman ng usapan sa telepono nina Marcelino at Yan.

Kasama umano sa ipinunto nila sa MR ay ang kawalan ng authority at prior knowledge ni Marcelino na hinahanap noon ng DOJ.

Sa naunang resolusyon ng DOJ na pirmado ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, tinukoy na wala umanong sapat na ebidensya kaya nabasura ang reklamo laban kina Marcelino. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS