Ragos mananatili sa NBI detention facility

February 27 2017 12:51 PM

 

Image from JM Saranza
Image from JM Saranza

Pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang kahilingan ni Bureau of Correction officer-in-charge Rafael Ragos na makulong sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay base na rin sa inilabas na commitment order ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero.

Nabatid na naghain ng mosyon si Special Agent Redentor Valdez ng Special Operations Group – Intelligence Service ng NBI na sa kanilang kustodiya manatili si Ragos.

Matatandaang sinabi ng NBI na sila mismo ang nagnanais na sila ang humawak kay Ragos dahil dati nila itong opisyal.

Inatasan ng korte ang NBI security management section na siyang magbantay kay Ragos sa NBI detention facility.

Hindi na nagtungo sa korte si Ragos, at sa halip ay ang kanyang abogado at mga kinatawan ng NBI ang siyang humirit sa korte .

Comments

MOST READ POSTS