Rehabilitasyon sa Marawi,
bibilisan ng DPWH

June 22 2017 4:46 PM

Tiniyak mismo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang kahandaan ng kagawaran sa pagpapatupad ng rehabilitasyon sa Marawi City na winasak ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga teroristang grupo.

Ayon kay Villar, naka-standby na malapit sa Marawi ang mga kagamitan na kakailanganin sa rehabilitasyon na sisimulan sa oras na matapos na ang digmaan, pati na ang clearing operations ng militar.

Pero bago simulan ang mga konstruksyon, magsasagawa muna aniya ang DPWH ng damage assessment sa lungsod.

Bukod sa DPWH, kasama rin sa rehabilitasyon ng Marawi ang Department of National Defense, Department of Trade and Industry, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, Department of Energy at Department of Information and Communications Technology.

Nauna nang sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abello na hindi bababa sa anim na buwan ang itatagal ng rehabilitasyon sa Marawi na magsisimula kapag ganap nang natapos ang giyera at ang clearing operations doon.

Comments

MOST READ POSTS