Sanggol, 4 pang sibilyan
na-rescue sa Marawi City

June 26 2017 11:37 AM

Matagumpay na nailigtas ng Armed Forces of the Philippines ang limang sibilyan na naipit sa bakbakan sa Marawi city.

Ito ay matapos magpatupad ang AFP ng walong oras na humanitarian pause kahapon bilang paggunita sa Eid’l Fitr.

Kabilang sa mga nailigtas ang isang taong gulang na sanggol at apat na sibilyan,

Target sana ng AFP na iligtas ang may 300 sibilyan sa lugar.

Sinabi naman ni Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera na nakatanggap sila ng impormasyon na ginagamit na ng Maute group ang mga sibilyan bilang human shields.

Bukod sa humand shields, inuutusan na rin umano ng Maute group ang mga sibilyan na mamulot ng mga bomba.

Matatandaang nagpatupad kahapon ang AFP ng tigil putukan mula 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon bilang pagrespeto sa Eid’l Fitr ng mga Muslim.

Comments

MOST READ POSTS