Suliranin sa pamilya, mahalagang matalakay sa Synod—Obispo

October 12 2015 10:58 AM

balanga bishop ruperto santosMahalagang mapag-usapan sa Synod of Bishops on the Family sa Vatican ang problema na kinakaharap ng bawat pamilya na may kaanak na nagta-tranaho sa ibang bansa dito Asya, partikular na sa Pilipinas.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (CBCP-ECMIP), ito ang pangunahing hamon sa bawat pamilya dito sa ating bansa.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2014, may 2.3 milyong overseas Filipino workers (OFW) sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Una na ring inilarawan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, delegate president sa Synod na ang ‘migration’ ay isang uri ng kahirapan lalu’t ang pagkawalay ng bawat pamilya ay para humanap ng kabuhayan sa ibang bansa.

Pabor naman dito si Santos dahil aniya malaki ang isina-sakripisyo ng bawat pamilyang Pilipino makasiguro lamang sa kanilang kinabukasan.

“Ang pag – uusap tungkol sa pamilya hindi natin mai-aalis ang tungkol sa migration. Sapagkat alam natin na ang pangunahing tungkulin ng pamilya sa lahat ay success ng kanilang pamilya,” pahayag ni Santos.

“Success in the sense na lahat ay makapag-aral, lahat ay maging handa sa magandang kinabukasan, lahat ay mayroong kasagutan sa lahat ng kanilang pangangailangan sa panahon ng kagipitan,” dagdag ni Santos.

Hamon naman ni Santos sa mga OFW na panatilihin ang katapatan sa kanilang naiwang asawa at pamilya.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Adobo Mix | Entertainment | Lifestyle | Sports | Business | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS