Supt. Marcos bagong head
ng CIDG Region 12

July 13 2017 2:51 PM

Balik trabaho na si Superintendent Marvin Marcos, ang hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Region 8 head at umano’y suspek sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulungan sa Baybay Sub-provincial Jail.

Katunayan, itinalaga si Marcos bilang bagong head ng CIDG Region 12.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, bukod kay Marcos, balik trabaho na rin ang 18 pulis na kasama sa mga akusado ni Marcos.

Nabatid na noon pang July 11 naging effective ang appointment paper ni Marcos.

Payo ni dela Rosa kay Marcos, magtrabaho ng mabuti at patunayan sa publiko na hindi siya masamang pulis.

Una rito, ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na sa trabaho si Marcos matapos maabswelto sa kaso.

Comments

MOST READ POSTS