SWS: Bilang ng nagugutom na Pinoy bumaba

May 3 2017 1:08 PM

Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na nagugutom  sa    unang  tatlong  buwan ng 2017,  ayon sa ulat ng Social Weather Station (SWS).

Base sa survey ng SWS,  may 11.9 %      o  katumbas  ng 2.7 milyong pamilya ang    nagsabing nakaranas   sila   ng      gutom.

Mas  mababa ito kumpara  sa      13.9 % o 3.3 milyong pamilyang nagutom noong    huling bahagi ng 2016.

Maliban dito, mas mababa  din ang bilang ng mga     nagugutom na Pinoy ngayong unang        bahagi ng  2017 kumpara    sa  kaparehong panahon noong    2016 na   nasa  13.7 percent.

Ang naturang survey  ay isinagawa      noong March 25-28 sa  pamamagitan ng     face to face interview sa may 1,200 respondents.

Comments

MOST READ POSTS