Tuition fee sa kursong medisina
sa 8 SUCs libre na

June 16 2017 2:45 PM

Libre na ang matrikula sa walong piling state universities and colleges (SUCs)  ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong medisina.

Sa anunsiyo ng Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na sagot ito ng gobyerno at maaari nang ma-avail ang full tuition subsidy sa pamamagitan ng cash grants sa medical students na naka enroll sa mga piling SUCs.

Kabilang sa mga SUCs na magbibigay ng libreng matrikula ay University of Northern Philippines, Mariano Marcos State University, Cagayan State University, Bicol University, West Visayas State University, University of the Philippines-Leyte, Mindanao State University at University of the Philippines-Manila.

Ayon kay Abella, ang tulong pinansiyal ay para sa mga bago at nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral  sa 2017-2018 academic year.

Pangkaraniwan, ang mga pinag-aaral ng gobyerno ay hindi muna pinapayagang mangibang bansa o magtrabaho sa pribadong sektor, kundi kailangan munang magsilbi sa pamahalaan sa itinakdang panahon.

Comments

MOST READ POSTS