Uber Philippines buo ang suporta
para sa Anti-Distracted Driving law

May 19 2017 1:17 PM

 

NLEX photo from NLEX Traffic Twitter account

Dumistansya ang UBER Philippines sa pahayag ng Philippine Transport Network Organization (PTNO) na aapela sila ng mas mahaba pang panahon para paghandaan ang Anti- Distracted Driving law.

Ayon kay Dezza Castilla, media relations associate para sa UBER Philippines, hindi sila konektado kay Ivan Klaud, pangulo ng PTNO na syang nagbigay ng pahayag.

Sa opisyal na pahayag ng UBER Philippines hinggil sa implementasyon ng Anti-Distracted Driving law na ipinadala sa NewsCentral.PH, binigyang diin nila ang buong suporta sa pagpapatupad ng batas.

Tulad anila ng pamahalaan, prayoridad rin ng UBER Philippines ang kaligtasan sa kalsada at may mga ipinatutupad silang pamamaraan upang matiyak ito.

“For example, Uber’s Telematics feature available on our driver app tracks braking and accelerating habits, detects the use of smartphones, as well as speeding alerts”, pahayag ng UBER Philippines.

Comments

MOST READ POSTS