Uber pumalag sa Anti-
Distracted Driving law

May 18 2017 2:00 PM

Aapela sa Land Transportation Office (LTO)  ang samahan ng Uber kaugnay sa  pagpapatupad ng Anti-  Distracted Driving law.

Ayon kay Ivan Klaud, pangulo ng Phil Transport Network Organization, ang Uber ang pinaka-tinamaan ng batas dahil 80% ng kanilang operasyon ay nakasalalay sa gadgets.

Tiniyak ni Klaud na handa naman silang sumunod sa batas subalit mangangailangan pa sila ng panahon para isaayos ang kanilang operasyon.

May 18, 2017, nagsimula na ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving law kung saan P5,000 ang multa sa unang paglabag sa mga drivier na mahuhuling gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Full support

Muling tiniyak ng Grab Philippines ang suporta nila sa pagpapatupad ng Anti- Distracted Driving law.

Sa katunayan, sinabi ni Leo Gonzales, Public Affairs manager ng Grab Philippines na pagkapasa pa lamang ng batas noong nakaraang taon ay naabisuhan na nila ang lahat ng drivers ng Grab.

Tinukoy ni Gonzales ang pagbabawal sa anumang makakapukaw sa atensyon ng driver habang nagmamaneho.

“Number one dapat clear ang ating windshield walang obstruction sa line of sight, number two, ang mga devices hindi nakalagay sa baba na kelangang yumuko pa ang driver, it has to be placed very near sa line of sight na hindi na kailangang gumalaw ang ulo o hindi na kailangang lumihis ang mata sa kalye so close to the steering wheel or sa upper portion. Sinabi rin po namin na kung gagamit ng waze kailangang itabi muna ang sasakyan,” paliwanag ni Gonzales.

 

 

Comments

MOST READ POSTS