Unang talumpati ni Duterte, palaban

June 30 2016 5:39 PM

Image from RTVMalacanang's Twitter account
Image from RTVMalacanang’s Twitter account

Direkta at matapang ang kauna-unahang talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Hall sa Malakanyan Palace.

Kapansin-pansin din na walang halong mura ang talumpati ni Duterte.

Agad na inilatag ni Duterte ang mga problema ng bansa gaya na lamang ng kriminalidad, ilegal na droga at koruspyon.

“I have seen how corruption bled the government of funds, which were allocated to uplift the poor from the mire that they are in,” pahayag ni Duterte.

“I have seen illegal drugs destroyed individuals and ruined family relationships,” pahayag ni Duterte.

Direktang binalaan din ni Duterte ang pamunuan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at Commission on Human Rights.

“You mind your own work and I will mind mine,” banta ni Duterte.

Ayon kay Duterte, bilang isang dating abogado at prosecutor, batid niya ang limitasyon at kapangyarihan ng pangulo.

“I know what is legal and what is not. My adherence to due process and the rule of law is uncompromising,” dagdag ni Duterte.

Binalaan din ni Duterte ang kanyang gabinete na bawasan ang mga requirements at processing time sa anumang aplikasyon sa pamahalaan.

“Do them and we will work together. Do not do them, we will part ways sooner than later,” dagdag ni Duterte. MC

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS