Unification ng lahat ng Revolutionary group sa Mindanao isinusulong

May 17 2016 3:35 PM

Isinusulong ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang unification at reconcillation ng lahat ng revolutionary group sa Mindanao.

Ayon kay MILF Vice Chairman Gadzali Jaafar, bahagi ito ng paghahanda ng Bangsamoro para sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL) o pagtungo ng bansa sa
Federalismo.

Binigyang diin ni Jaafar na mahalagang magkasundo-sundo muna ang nagkawatak-watak na grupo ng mga Bangsamoro para makamit ang tunay na kapayapaan.

Isa si Jaafar sa mga bumati kay presumptive president Rodrigo Duterte sa clubhouse ng Matina Enclaves sa Davao City.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS