Batugan ang husband ko, ano ang gagawin ko?

April 29 2016 2:07 PM

DAK-Batugan-ang-husband-koDear Ate Kyeme,

Good day! Ako po Sofia Valentina, 25, at may isang anak na babae si Mia Mora. Ang problema ko po ay yung asawa ko, Madalas po kasi kaming nagtatalo dahil batugan po ang husband ko. Minsan may trabaho sya minsan wala. Halos ako na lamang po ang kumikilos sa pamilya namin. Palibhasa mayaman po ang family ng husband ko kaya madalas dun sya umaasa. Wala naman po ako naririnig mula sa pamilya nya kapag humihingi sya ng tulong pinansayal sa kanila para sa amin. Ano po ba ang gagawin ko? God bless!

 

Dear Sofia,

Salamat sa e-mail mo.

Naawa naman ako sa’yo at kababae mong tao ikaw ang naghihirap.

Kung tutuusin parang ikaw na ang bumubuhay sa anak nyo!

Siguro dapat ipamukha mo sa kanya na ibang level na ang samahan ninyong dalawa. Hindi na kayo mga mag-lovers na namamasyal na lamang sa Luneta araw-araw. Lagi nyong isipin na may deeper commitment na kayo sa isa’t isa.

May mga tao na kahit na anong sigaw o talak ang gawin mo sa kanila ay deadma lamang sila.

Dapat maisip ng husband mo na lahat ng bagay ay pinagihirapan at hindi nakukuha sa pahiga-higa lang sa sofa ninyo araw araw. Minsan kasi kailangan pang mang-galing sa iba ang mga kakaibang salita bago pa tayo matauhan.

Salamat na lamang at matulungin pala ang family ng husband mo.

Pero always remember na hindi pwedeng ganyan lagi ang gagawin ng husband mo na tatakbo sa mga parents nya kapag may problema. Well, siguro paminsan-minsan pwede naman ganun pero kung palaging ganyan ibang usapan na yan.

Paano kung dumating ang oras na hindi na nya malapitan ang parents nya? Saan at kanino na s’ya hihingi ng tulong?

So ano ang dapat mong gawin? Siguro kausapin mo muna talaga ang husband mo kung ano ang plano nya sa buhay.

Ayokong i-suggest na maghiwalay na muna kayo dahil hindi naman laging solusyon ang paghihiwalay. Huwag muna kayong maghiwalay kung yun ang nasa isip mo.

Siguro naman may panahon pa para magbago ang lahat. Baka naman naghahanap na rin sya ng work kaya bigyan mo pa rin sya ng pagkakataon.

Sa pakikipag-hiwalay mo sa husband mo, siguardong mababawasan ang mga gastusin mo. Importante pa rin talaga ang pera sa panahaon ngayon. Pero come to think of it, hindi lahat ay pera-pera lang.

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS