Halos hindi ko na makausap
ang anak ko dahil sa gadget

September 6 2016 10:10 AM

dak gadget

Dear Ate Kyeme,

I’m Krista Shell of Quezon City. I’m married to a fabulous husband and we have two children, My concern is about my eldest son Sean who is 13 years old. Feel ko hindi ko na sya makausap ng madalas dahil focus sya sa texting at messaging. Parang gusto ko ng kunin sa kanya ang device para naman magkaroon sya ng moment sa amin. Ano kaya ang dapat kong gawin?

Dear Krista,

Thanks sa e-mail mo.

Sa panahon ngayon, importante sa mga kabataan ang mga gadget. Parang hindi kumpleto ang mundo nila kung wala silang hawak ng mga nito.

Higit sa lahat, importante sa kanilang age na naka-network sila sa group of friends. Sa mga kabataan ngayon, mas importante talaga sa kanila ang friends kesa sa parents.

Pero hindi ibig saibihin na kailangan mo ng kumpiskahin ang mga gadget nila dahil bihira na kayong mag-usap.

Don’t worry. Isang stage lang yan na pinagdaraanan ng mga kabataan. Magsasawa rin ang mga yan.

Ayon kay Susan Bartell, PhD, isang adolescent psychologist sa New York. kung ang inyong anak ay OK naman ang mga grade sa school, tumutulong paminsan minsan sa bahay at hindi naman talagang todo-iwas sa inyo, OK lang yan. Hayaan nyo lang sila.

Siguro kung gusto nyo talagang mag-limit, sabihan nyo ang anak nyo na sila na ang bibili ng load nila sakaling lumampas sya sa napagusapan ninyong load limit.

Pagbawalan nyo rin siguro na walang hahawak ng cellphone o tablet kapag nasa lunch or dinner ang family. Since kayo ng husband nyo ang bumili ng gadget nila, monitor nyo rin paminsan minsan ang ginagawa nila sa computer. Try to find out about their circle of friends. Baka kasi kung saan-saang website na sila pumupunta.

One hour before bedtime, pwede ring sabihan ang inyong mga anak na wala ng gagamit ng cellphone or tablet. Itago nyo na lamang muna ang mga ito at ibigay sa kanila kinabukasan. It’s cool for kids to have gadgets : )

For more stories on #UAAP79, click http://newscentral.ph/uaap-79/

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS