Hurt ako sa friend ko na pa-fall

September 27 2016 9:14 AM

DAK-PafallDear Ate Kyeme,

I’m Janice, 18, student, from Pasig City. Hindi ako maka move-on sa isang kaibigan na masasabi kong pa-fall. Kung alam ko lang pa-fall sya sana hindi ko na lang sya binigyan ng pansin, Akala ko kami na hindi pa pala. All the signs are showing na nililigawan nya ako only to find out na may dalawa pa pala s’yang pinopormahan. Napaiyak na lang ako nun. Sinubukan ko manood ng “Train to Busan” para makalimutan sya pero sya pa rin nasa isip ko. Hindi ko na naintidihan yung pinanood ko. Umuwi na lang akong tulala at paulit ulit kong binabangiit ang name nya….Louie…Louie…Louie…Help me Ate Kyeme.

 

Dear Janice,

Thanks sa e-mail mo. But I would like you to know “I’m with you iha.”

Actually mahirap minsan ma detect ang isang tao kung pa-fall ba sila. Mare-realize mo na lang na ganun sila pagkatapos mong masaktan.

Paano mo ba nalalaman na pa-fall ang isang tao? Ayon sa mga nabasa ko, ilang senyales na pa-fall ang isang tao ay ang mga sumusunod:

1) Sweet s’ya sayo sa una

2) Tapos text ng text kung kumain ka na ba? or miss u at kung anu ano ang sweet nothings. Ikaw naman kikiligin syempre at reply ka naman ng miss u 2. Misan magpapadala ng kung anu anong quotes.

3) May mga moment na ang bait–bait nya para syang galing sa langit na bumagsak sa lupa.

4) OA na minsan ang concern nya sayo.

5) May jeling-jeling epek pa sya na hindi ka kakausapin dahil nakita kang nakikipag-usap sa iba. And then ikaw naman sasabihin mo sa kanya wala yun kapitbahay lang namin yun…wag ka ng magalit.

6) Sabi nga nila, yung panliligaw ng pa-fall walang spirit. Yung tulad ng spirit sa softdrinks at alak. Wala silang ganun. Kumbaga walang asim or alat ang gingawa nila.

7) Pinakamasaklap, ang tingin lang pala nya sayo ay bestie or good friend lang. At kung mas nakakatanda ka pa sa kanya, baka auntie or ninang sa kasal ang lang ag turing nya sayo.

Ang nangyari: yung guy ang pa-fall, ikaw ang pa-victim.

Siguro ang pwede ko lang ma-advice sayo ay wag masanay sa pagmamahal kasi pagsinanay mo ang sarili mo na ganyan, hahanap-hanapin mo yan pag nawala.

At your age, siguro focus muna tayo sa studies. Okay lang naman na makipag-meet sa mga boys kaso nga lang ang problema mas nagiging priority natin minsan ang lovelife kaya nawiwindang tayo.

Lesson learned yan sayo Janice. Hindi lahat ng sweet or concern sa’yo may pagtingin na agad.

Move on ka na Janice pero sa next relationship mo, you know what to do. Kung may mga ganyan ka uling ma-meet na guy along the way, at mukhang pa-fall uli ang drama nila, iwasan mo na lang. Wag na wag mong sasagutin mga pa tweetums na text or tawag nila.

Deadma lang.

Kung gustong-gusto ka talaga ng guy, susuyuin ka nyan, hahabulin ka saan mang sulok ng daan at liligawan ka nya sa tamang paraan.

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS