Hurt ako sa mga tomboy jokes nila

August 26 2016 11:43 AM

DAK-Hurt-ako-sa-mga-tomboy-jokes-nilaDear Ate Kyeme,

I’m Belladona Miah, 18 years old. Ang concern ko po ay mga classmates ko. Lagi po nilang pinaglalaruan ang pagiging tomboy ko. Yes Ate Kyeme. tomboy po ako hindi nga lang halata. May mga nakakapansin na rin na tomboy ako pero deadma lang sila. Kung anu-ano ang sinasabi nila sa akin at nasasaktan ako. Feel ko hindi rin nila ako tanggap sa grupo. These days ang tawag naman po nila sa akin ay “LAIZA” – pinag-halong Liza Dino at Aiza Seguerra. Ano po ang gagawin ko?

 

Dear Belladona Miah,

Thanks for your e-mail. So sorry sa sinasapit mo lately.

Ganyan talaga ang mundo — marahas, malupit, punong-puno ng impakto at kampon ni Satanas. Hindi nila iniisip ang ibang tao kundi ang kanilang sarili lamang.

Pero kahit na marupok at mapait ang sinasapit mo ngayon sa mga kamay ng mga mala-hudas mong classmates, I’m sure may mga mababait pa rin dyan sa paligid mo.

Siguro what you can do is tell one of them na hurt ka na sa mga sinasabi nila. Hindi naman kailangang pumunta ka sa harap ng stage, kumuha ng mic at ipangalandakan sa buong campus na nasasaktan ka na sa mga biro nila.

Good thing may cellphone at e-mail na tayo ngayon. Pwede mo rin idaan yung message mo sa kanila sa pamamagitan ng mga medium na ito.

It’s up to you kung aamin ka na sa kanila na tomboy ka or miyembro ka ng LGBT community. Pero para sa akin, hindi naman guarantee na titigil na sila na kakatukso sayo.

Siguro eto na lang lagi ang isipin mo. Sabi nga sa quote ni Dr. Steve Maraboli, isang behavioral specialist: “Every time I thought I was being rejected from something good, I was actually being redirected to something better.”

“Never beg for a relationship. Be brave to accept the one who really wants to be with you and reject the one who just pretends to be with you.”

“Don’t feel bad if someone rejects you or ignore you. People usually reject and ignore expensive things because they can’t afford them.”

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS