Kairita ang PDA ng bestie ko at BF niya

April 19 2016 5:25 PM

DAK-Kairita-ang-PDA-ng-bestie-ko-at-BF-nyaDear Ate Kyeme,

Hello! Ako po si YumYum, 22. Concerned lang ako sa best friend ko dahil mahilig sila sa public display of affection ng kanyang biyfriend. Pag-sweet na sweet na sila sa isa’t isa, tumitingin na ako sa paligid at napapansin ko naghahagikhikan na yung mga tao, Ilan sa mga PDA nila ay kissing habang meryenda sa fast-food, at yung friend ko naman mahilig kagatin yung shoulder ng BF nya habang nakapila bumili ng ticket sa sinehan. Medyo nangigigil sya sa BF nya. Pero ang isang PDA na hindi ko ma-take ay yung pagpapasok sila sa mall at nakapila, nagpapabuhat yung best friend ko sa BF nya na parang bagong kasal. Then magnanakaw ng halik yung friend ko sa BF nya at sabay silang hahalkhak na parang mga bruha Tama po ba ang PDA? Thanks at God bless sa lahat ng mga kagalang-galang na alagad ng media sa newscentral.ph.

 

Dear YumYum,

Thanks sa e-mail mo.

Para sa kaalaman ng ibang tao, ang public display of affection ay isang paraan ng pagpapakita sa publiko ng mga galaw ng dalawang taong nagmamahalan. Ito ay ipinapakita sa paraan ng paghalik, holding hands, yakap o haplos.

Huwag ka ng nagtaka kung bakit ma-PDA ang best friend mo. Ito’y sa kadahilanan na mas madalas raw magpasimuno ng PDA ang mga babae, ayon sa isang pananaliksik. OK lang kung yung babae ang magsisimula nito pero ayon sa ating lipunan, parang hindi maganda kung lalaki ang magsisimula nito.

Ang tanong: OK lang ba ang PDA? Of course! Pero dapat ito ay nasa tamang lugar lang. OK lang ang PDA sa mag-asawa at sa mga taong tutoong nagmamahalan. Walang malisya kung ginagawa nila ito, ika nga.

Ingat lang tayo sa PDA dahil may mga bansa na hindi ito legal dahil depende na rin ito sa kanilang kultura. Sa China, Middle East, Las Vegas at Seattle (Washington), hindi sila sang-ayon sa PDA. Pero sa Europe, Hawaii at New York City, OK lang naman ito.

Siguro iwasan na lang natin ang PDA sa mga mataong lugar tulad ng school, pormal na okasyon, sa simbahan o place of worship. Siguro i-worship nyo na lang ang isa’t isat sa loob ng private room kung ganun lang naman.

Ayon na rin sa isa pang pananaliksik, OK lang ang PDA basta in moderation lang ito. Ang mga PDA tulad ng halikan, yakapan, holding hands at kandungan ay nakakapagbawas ng stress. Hindi naman kailangang magpagulong gulong kayo sa lobby ng isang center para ipaalam sa buong mundo na in-love talaga kayo sa isat-isa.

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS