Kaninong job offer ang kukunin ko?

May 17 2016 5:24 PM

DAK-Kaninong-job-offer-ang-kukunin-koDear Ate Kyeme,

Hello po! Tawagin nyo na lang po akong Misty Beauty. I just graduated from college. Hindi naman po sa pagmamayabang pero I finished college with honors sa isang exclusive school kahit na naglalako lamang ng maja blanca ang parents ko. Sa tulong ni God ay magkakaroon na rin ako ng work. Pero nalilito po ako kung sino ang pipiliin ko sa dalawang job offer sa akin. Yung isa kasi doon ako nag-OJT at kahit na maliit lang ang offer nila na sweldo ko ruon ang babait naman ng mga makakasama ko sa office nila. Parang mga anghel po sila sa kabaitan. Pero yung isa namang job offer sa akin ay mula sa isang multi-national company. Triple ang sweldo ko doon pero mas mahirap ang gagawin ko po roon. Ano po ba ang dapat kong gawin para tama ang job offer na pipiliin ko? Salamat po at God bless!

 

Dear Misty Beauty,

Congrats at nag-graduate ka pala with honors! I’m sure proud na proud sa’yo ang mga parents mo sa achievement mo!

Actually sa pagpili ng trabaho hindi lang talaga sweldo ang kailangan mong ikunsidera. Nariyan ang location at higit sa lahat ang mga taong makakasama mo sa opisina.

Malaki nga ang sweldo mo pero hindi mo naman makasundo ang mga nasa paligid mo. Mahirap yun! Minsan naman ang gaan-gaan ng pakiramdam mo sa opisina kahit na ang liit lang ng sweldo mo.

Dapat kang manimbang sa bagay na yan. Ano ba ang mga priorities mo ngayon? Need mo ba talaga ang big salary para matulungan mo rin ang family mo? Or pansamantala OK na muna sayo ang maliit na paycheck? Ikaw lang talaga ang makakasagot nyan.

Pero sa pagpasok sa work, narito ang mga importanteng bagay na dapat mo ring malaman bukod sa sweldo.

1) Dapat appreciated ka at pinahahalagahan ka sa inyong office.

2) Enjoy kang kasama ang mga co-workers mo.

3) Pinagkakatiwalaan ka nila.

4) Gustong-gusto mo ang ginagawa mo sa office nyo.

5) Swak ang trabaho mo sa personality mo.

6) Pinahahalagahan din ng office n’yo ang family mo.

7) Satisfied ka sa mga nangyayari sa’yo sa opisina.

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS