Mga pagkain na hindi nakakataba

January 22 2016 6:19 PM

DAK Mga pagkain na hindi nakakataba

Dear Ate Kyeme,

Anu-ano ba ang tamang pagkain sa pag-papayat? Once lang din ako kung kumain pero sa tingin ko wala namang effect sa akin. Tingin ko sa katawan ko hindi nagbabago or nababawasan ang taba ko. Bigyan nyo ako ng tamang pagkain or gawin para lumiit ang aking katawan. Nagpapasalamat. Gwen ng Bacoor, Cavite.

 

Dear Gwen,

Thanks sa e-mail mo, Gwen!

Wow ha! Gusto mong mag-pa-sexy. Siguro sasali ka rin sa Miss Universe at gusto mong lumiit ang katawan mo noh? Ikaw na ba ang papalit ka Pia Wurtzbach? hahaha joke!

Usapang seryoso na tayo. Ang daming pagkain ang nakakatulong sa atin para makamit natin ang seksing pigura. Eto ang ilan sa kanila:

Patatas, mansanas, peras, almonds, cacao, kimchi, lemon, yogurt, itlog, baka na konting taba, mainit na oatmeal, avocado, raspberry, isda, at popcorn.

Green vegetables, salmon, chicken breast, tuna, beans, sopas, apple cider vinegar, mani, coconut oil, broccoli, cabbage, cauliflower, at lettuce.

Ilan lamang yan sa mga tumutulong na pagkain para hindi tayo gaanong tumaba.

Pero teh, medyo na shock naman ako sa’yo at once a day ka lang kumakain kamo? Tama ba yung nabasa ko?

Ayon sa aking mga nabasa, hindi tama ang ganitong sistema na once a day lang lala-fang. Baka magkasakit ka pa nyan teh.

Dapat kumakain ka three times a day. Pinakamarami sa agahan, medyo konti sa tanghalian at super konti sa gabi. Umpisahan mo sa marami hanggang paunti.

In between naman pwede ka magmerienda pero light lang din tulad ng biscuits o prutas. Bawasan mo din ang softdrinks at mga pagkain na sandamakmak na icing sa cake at mga oily food.

At habang ginagawa mo ito na kumain ng mga masustansyang pagkan, sabayan mo na rin ng exercise para ganap na ang pag-ba-bawas mo ng timbang.

Happy healthy eating Gwen!

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS