Mga signs na gay ang BF mo

November 8 2016 1:57 PM

Dear Ate Kyeme,

I’m Krissa, 21, of Quezon City. Working po ako sa isang office sa Ortigas. Hindi po sa pagyayabang marami po ang nanliligaw sa akin. Kamukha ko raw si Selena Gomez. May isang admirer ako nagsasabing hawig ko raw si Kylie Versoza. Yung iba naman may peg raw ako ni Kim Kardashian. Gusto ko na pong magka boyfriend. Pero naglipana na ang mga gays ngayon. Yung iba akala mo tunay na lalaki yun pala lalaki rin ang hanap nila. Ayoko pong magkaroon ng gay na BF. Paano ko ba malalaman kung tunay na lalaki ang nanliligaw sa akin? Ano po ang mga signs? Ang alam ko lang ay sa pilantik ng kamay at boses. Thanks Ate at advance Merry Christmas sa inyong lahat!

Dear Krissa,

Thanks sa e-mail mo! For sure, love will lead you back!

Ayon sa aking pananaliksik, eto ang ilang paraan para malaman mo na Badinger-Z ang guy na umaaligid sayo:

1) Madalas syang tumitingin sa mga guys – Pansinin mo na habang nag uusap kayo, madalas ba syang tumingin sa mga guys? As in matagal ang titig nya sa kanila kesa sayo?

2) Nakikipagharutan sya sa mga guys – Walang tunay na lalaki ang nakikipagharutan sa guys. At kapag nakainom na, pansinin mo ang mga kamay nya. Niyayakap na ba nya ang mga guys na kainuman nya or gumagapang na ang mga kamay nya kung saan saan.

3) Madalas syang manood ng gay porn – Mahirap itong madiscover dahil madalas itong ginawa in private unless mahuli mo sya.

4) Nagreregalo ng mga mahal na bagay – Nagreregalo ba sya ng mga mamahaling gifts sa mga kaibigan nyang guys tulad ng motor, kotse or alahas? Or hindi man ganun kamahal, something really special na kaiingitan or pagseselosan ng iba?

5) Enjoy sa attention ng guys – Madalas ba syang magsuot ng mga nakaw-eksenang damit tulad na lamang ng mga super igsi na shorts or pag sana beach kayo e halos dahon na lang ang nakatakip sa pang baba nya?

6) Bored sya sa usapang sex with a girl – Excited ba sya na pagusapan ang mga private moments between a girl and a boy? Or bigla na lang nya iibahin ang topic pag nasa ganung level na ang usapan?

7) Medyo inis sya kapag kabadingan na ang topic – Minsan kapag tungkol na sa kabadingan na ang usapan, asiwa na sya. May mga time na deadma na sya or pag hindi na sya makapagpigil, nagwo walk out.

8) Hindi interesado sa sex – Medyo mahirap patunayan ito kapag hindi pa kayo kasal. Siguro kapag nagkatuluyan na kayo at madalas ayaw nyang makipagtalik at ang dami nyang dahilan kapag nangangalabit ka, malamang iba ang preference nya sa pakikilagtalik.

9) Mas madami syang beauty products kesa sayo – OK lang naman sa mga guys ang bumili ng beauty products tulad ng sunblock, deodorant, shampoo, conditioner, lotion at konting pabango. Ok rin ang mag multivitamins. Hindi kabadingan ang gumamit ng mga ganito lalo na kung pumapasok tayo sa office or nakikihalubilo tayo sa mga tao. Pero kung mas marami pa syang beauty products kesa sayo, parang kakaiba na yun. Unless lumalabas sya sa TV okay lang na sandamakmak talaga ang dala nyang beauty products.

10) Finally, isulat mo sa paper ang word na ito at ipabasa ito sa kanya: KAMUNING!….Kapag binasa nya ito na KAMUNING lang, tunay na guy sya kung ganun. Pero kung binasa nya ito na KAMUNEEEEEENG, malamang gay yung guy.

ilan lamang ito sa mga na-research ko. Sana ay makatulong ito sayo ng malaki.

Me iba pa ba kayong alam, dear readers? Share nyo naman kay Krissa.

Thanks sa inyong lahat!

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS