Niloko lang ako ng GF ko

March 18 2016 2:06 PM

DAK-Niloko-lang-ako-ng-GF-ko

Dear Ate Kyeme,

Good day! I’m Vince, isang OFW sa Macau. May GF po ako si Halina at isa po siyang cook na kasama ko dito. One year na po kami. Mahal na mahal ko po siya kahit na umabot na po ang utang niya sa akin ng P150,000. OK lang yun kasi nga mahal ko po siya at may tiwala naman po ako sa kanya. Nagbakasyon muna ako sa Manila pansamantala at pagbalik ko sa Macau wala na si Halina. Sumama na raw siya sa isang dating BF niya. Biglang gumuho ang mundo ko. Niloko lang ako ni Halina. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Salamat po.

 

Dear Vince,

Thanks sa e-mail mo!

Wow naman ang yaman mo naman at may P150,000 ka na paluwal sa GF mo. Sana friends na lang tayo at ako na lang ang pinahiram mo! hahahahaha! Joke!

Sana Vince hindi mo sinanay ang GF mo na hiram ng hiram sa’yo. Sad to say pero mukhang ginamit ka lang ni Halina.

Kung asawa mo na siya, pwede mo pa sigurong mabawi yung perang pinaghirapan mo. Pero kung ang habol mo ay yung P150,000, mukhang pahirapan na yan.

Madalas pag-in love tayo sa isang tao, nagbubulag-bulagan tayo. Wala tayong pakialam kung ano ang nararamdaman natin or sasabihin ng ibang tao. Minsan isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa kanya.

Ang mahalaga napaligaya mo ang mahal mo. Ganun madalas ang sitwasyon di ba?

Pero paano ka naman kung lahat ibinuhos mo na? Sabi nga sa kanta wag sana tayong masanay sa pagmamahal.

OK lang naman na gamitin natin ang puso natin pa minsan minsan, pero meron din tayong utak na tinutulungan tayong mag decide kung tama ba o mali ang ginagawa natin.

Sana Vince makahanap ka ng GF na mamahalin ka ng tunay at lubusan at kung ano man ang pagkatao mo, hindi lang dahil sa iyong mga KWARTA, PERA, MONEY, DATUNG ATIK!

Hayaan mo at mabait naman si Lord! Hindi naman ikaw ang nangloko. Ang tanging kasalanan mo lang ay nagmahal ka ng todo-todo. Karma lang ang katapat nung nanloko sa’yo. Higit sa lahat hindi ka papabayaan ng nasa taas basta manalig ka lang sa Kanya.

Ingat lagi Vince and God bless!

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS