Paano ko liligawan ang parents ng nililigawan ko?

October 23 2015 3:01 PM

DAK 31Dear Ate Kyeme,

Ako po si Arden, 25 years old, taga-Tagaytay.

Ang problema ko po ay ang mga magulang ng nililigawan ko. Mukhang ayaw po nila sa akin at hindi ko po alam kung bakit.

Noong una ramdam ko lang na ayaw nila sa akin hanggang na-confirm ko po ang lahat. at pinatotohanan po ‘yun sa akin ng pinsan ng nililigawan ko.

May kababata raw po yung nililgawan ko na pumoporma din sa kanya at gustong-gusto raw ito ng mga magulang niya.

Kapag nasa kanila raw ito, talagang nakikipag-jamming daw ang mga parents niya sa guy. Kwentuhan at tawanan sila!

Pero pag ako naman ang aakyat ng ligaw sa kanila, bigla na lang lalabas o papasok sa kwarto ang mga magulang niya.

Sinabi ko ito sa nililigawan ko at sinasabi lang niya sa akin nagkakataon lang daw na ganun at busy sila kaya hindi na siya nahaharap pa.

Magalang naman po ako sa kanila kapag aakyat ng ligaw. Wala naman akong BO at hindi bad breath. Sure po yun!

Ano po kaya ang dapat kong gawin para mahuli ko po ang puso ng mga magulang ng nililigawan ko?

 

Dear Arden,

Thanks sa e-mail mo!

Ang alam ko pagdating sa ligawan, hindi ka lang dapat nakatuon sa nililigawan mo kundi pati na rin sa mga magulang ng babae. Kung pwede nga rin isama mo na ang mga kapatid at kamag-anak ng girl much better!

Sabi ng iba, walang kaso raw ‘yun kapag ayaw sa ‘yo ng parents ng girl.

Pero para sa akin, importante na magustuhan ka rin ng mga magulang nya.

Andun na tayo, na hindi naman yung mga parents ng girl ang makakasama mo sa pagtulog araw-araw, pero magku-krus pa rin ang mga landas.

Siguro para mapalapit ka sa kanila, daanin mo minsan sa pasalubong.

OK lang kahit hindi ka muna nila harapin basta magdala ka ng pasalubong. Syempre food ang the best pasalubong!

Ganyan talaga ang nanliligaw, magpapaluwal ka sa ayaw mo at sa gusto mo.

Hindi ka lang sa nililigawan mo magpapa-impress kundi pati na rin sa mga taong malalapit sa nililigawan mo.

Nakukuha naman ang lahat sa tyaga. Pag may hirap, may ginhawa.

Patience is a virtue, sabi nga nila.

Good luck sayo Arden!

Eto ang tatlong inspiring songs!

Matud Nila is a popular Cebuano song composed by Ben Zubiri. Here is the English translation.

Matud nila ako dili angay (They say I am not fit)
Nga magmanggad sa imong gugma, (To ask for your love)
Matud nila ikaw dili malipay, (They say you will not be happy)
Kai wa akoy bahanding nga kanimo igasa. (Because I have no treasures to give you)

Gugmang putli mao day pasalig (Pure love is all I can offer you)
Maoy bahanding labaw sa bulawan (It is a treasure more precious than gold)
Matud nila kaanugan lamang (They say it is such a waste)
Sa imong gugma ug parayeg. (Of your love and endearment)

Dili maluba kining pagbati (This feeling will not fade)

Bisan sa unsa nga katarungan (For whatever reason)

Kay unsa pay bili ning kinabuhi (For what is the worth of this life)
Kon sa gugma mo hinikawan (If deprived of your love?)

Ingna ko nga dili ka matuo (Tell me that you do not believe)
Sa mga pagtamay kong naangkon (The criticisms about me)
Ingna no nga dili mo kawangon (Tell me that you will not let this chance pass)
Damgo ug pasalig sa gugma mo. (The dream and assurance of true love).

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS