Paano ko patutunayan
na mali ang tsismis nila?

April 12 2016 11:01 AM

DAK-Paano-ko-patutunayan-na-mali-ang-tsismis-nila

Dear Ate Kyeme,

Hi! I’m Rowena. Nalalagay po ako ngayon sa alanganin sa tindahan na pinapasukan ko dahil nati-tsismis po ako na GF ako ng anak ng may ari ng tindahan kahit hindi naman. Minsan kasi nakita nila kaming dalawa na kumakain sa isang maliit ng restaurant at sinusubuan ko po siya. Kaya ko naman siya sinusubuan dahil may sakit siya nun at pinagkatiwala siya sa akin ng nanay niya. Ayaw po nilang maniwala. Napipikon na ako kasi may BF ako baka makarating sa kanya ito. Thanks po!

Dear Rowena,

Thanks sa e-mail mo!

Unang una ang pikon ay laging talo kaya’t wag kang padadala sa kanila.

Basta deadma ka na lang dahil alam mo naman sa sarili mo na wala naman talaga kayong ginagawang masama.

Hindi natin talaga maiwasan ang tsismis kahit saan. Huwag mo na lang silang patulan dahil wala naman mangyayari dyan.

Basta malinis ang loob mo at mahal mo pa rin ang BF mo wala kang dapat alalahanin.

Pero kung talagang malala na yan, siguro isangguni mo na lang yan sa leader niyo sa tindahan at sabihin mong nagkakalat ng tsika ang mga kasamahan mo na hindi naman tutoo. At saka para tumigil na rin sila at matapos na yang kahibangan nila.

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS