Paano ko po sasabihin sa magulang namin na pregnant ang GF ko?

October 6 2015 4:10 PM

DAK-26Dear Ate Kyeme,

Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng staff ng newscentral.ph

Ako po si Allan, 19 years old at taga-Quezon City.

Ilang araw na po akong gulong-gulo sa problema ko. Nabuntisan ko po ang GF ko.

One month na pong nagdadalang-tao ang GF ko at balisa po ako kasi hindi ko po alam ang gagawin ko.

Sa ngayon, yung parents ko at parents niya ay parehong hindi nila alam na nagdadalangtao na ang GF ko at ako ang ama.

Mas kalmado pa sa akin ang GF ko dahil ginusto raw niya yung pangyayari at lagi niyang sinasabi sa akin, kaya natin ito.

Pero next month, sasabihin na raw talaga ng GF ko sa parents nya na buntis siya at hindi na kailangan pang patagalin pa raw na itago ang sitwasyon namin.

Yung parents po kasi namin parehong nasa province at nakikitira lang po kami sa mga respective na kamag-anak namin.

Ang alam ng parents ko ay OK na OK ako sa Maynila at walang problema.

Natutuwa po ako na gusto kong mai-iyak sa problema ko po. Paano ko po ba sasabihin ito sa mga magulang namin?

Help me Ate Kyeme, help meeeeeeeeeeeee!

Salamat po!

 

Dear Allan,

Congrats, Allan! Magkaka-baby na kayo!

Eto ang mga pwede mong bungad sa parent’s nyo pag-nag-kataon:

“Yes! Hindi ako baog!”

“Yahoo! May apo na kayo!”

“Salamat sa FHM!”

“Dad, OK yung tinuro mo sa akin!”

Yan ang mga dapat mong sabihin sa kanila para UPAKAN ka nila pagpasok mo pa lang sa pinto!

Seriously, malaking problema yan dahil hindi mo pa alam ang reaksyon ng mga parents ninyo.

Mabibigla sila at for sure, tatanggapin nila ang sitwasyon. Ang tanong: hanggang saan ka nila pwedeng tulungan?

Kung well-off ang mga parents nyo, walang problema at kahit saan ang binyagan sila ang taya sa lahat ng gastos — damit, gatas, medical check-up, atbp.

Pero papaano kung hindi nila nagustuhan ang balita mo?

Pag ganun, chances are ikaw lahat ang sasagot nyan. Sino pa nga ba ang dapat managot nyan kundi kayong dalawa.

Pasa-saan din yan at matatanggap din ng mga parents nyo ang baby nyo! Hindi na uso yung mga nakikita natin sa pelikula na palalayasin yung girl at hindi na sya tutulungan ng parents nya at sabay tago sa lungga ng daga o kweba.

Lumang style na yun! Modern na tayo!

Naging open na tayo sa lahat ng mga pagbabago sa ating paligid. Am sure ganun na rin ang mga magulang ninyo!

Ngayon, ang dapat mo ng gawin ay maghanap ka na ng work para sa mag-ina mo! Para bigyan mo sila ng magandang future!

Am sure pag me work ka naman hindi na mag-rereklamo ang mga magulang ng girl! Yun nga lang baka nag-e-expect din sila ng church wedding sana kaso may tanim na.

Ipakita mo sa mga magulang mo na kaya mong dalhin ang problema at kaya mong tumayo mag-isa.

At pagtakatapos nun, pwede ka ng sumigaw ng “Ayos! May blessing tayo galing sa heaven!”

Eto ang 5 songs na hopefully magbibigay inspirasyon at lakas ng loob sayo:

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS