Takot ako (sa kulam)

October 25 2016 6:35 PM

Illustration by John Leo Abaigar
Illustration by John Leo Abaigar

Dear Ate Kyeme,

Hello sa lahat ng magagaling na staff ng newscentral.ph. I’m Sandra of Pasig City. Ang problem ko po ay tungkol sa kulam. Tutoo po ba ito? May classmate po ako at nakulam daw ito or nasapian daw yata. Isang araw, habang nagtuturo po ang teacher namin biglang tumayo yung classmate namin at tumawa ng malakas. Tapos binuhat ng classmate ko yung upuan at tinapon sa harap ng teacher ko. Buti at nakaiwas po ang teacher namin. Sa takot, nagtakbuhan kami lahat palabas. Nagkagulo sa school namin at lahat ng nakakasalubong nya pinandidilatan nya ng mata. Sa ngayon ay magaling na ang classmate namin at madalas tulala po sya. Tutoo po ba ang kulam? Salamat po! God bless uli sa inyo.

Dear Sandra,

Salamat sa e-mail mo.

Sa tutoo lang, may mga pangyayari sa paligid natin na hindi mo minsan ma-explain. Mga kababalaghan na magbibigay ng kilabot o pakiramdam sa ating katawan.

Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko naniniwala sa dahilang wala pa akong naging karanasan na makulam or mapaglaruan ng maligno (Wag naman po sana Lord).

Subali’t may mga tao akong nakausap na involve sa mga ganitong gawain at ito raw talaga ay tutoo.

Ayon sa kanila, ang pinakamabisang gamot laban sa masamang ispiritu ay asin.

Yes! Ang asin na mabibili mo lamang kung saan saan ay napaka epektibo laban sa mga masamang ispiritu.

Napakadaling malaman kung may masamang ispiritu sa paligid mo. Kung feel mo na kinikilabutan ka kahit na wala namang nangyayari o kaya naman ay parang tumatayo ang mga balahibo mo na walang dahilan, malamang may maligno sa paligid mo.

Say a little prayer. Then siguro mag-saboy ka ng asin sa paligid. Wag naman buong garapon ng asin dahil baka manlagkit naman ang sahig nyo o kaya baka maubusan ka na ng sawsawan para sa mangga.

Mas OK daw magsaboy ng asin sa paglipat mo ng bahay or ilang oras bago sumapit ang bagong taon. Once a month pwede rin maligo ka ng may isang kutsarang asin at pinigaan mo ng lemon. Siguro yung isang lemon hatiin mo sa dalawa at ipiga. Mabisang cleansing daw ito at panlaban kung ikaw ay inaalat.

BTW ang gagamitin mong asin ay yung rock salt ha! Hindi iodized kasi pinung-pino yun, hindi matatakot ang masamang spirit dun.

Laging magstock ng asin sa bahay. Kung saang lugar na palagay mo ay medyo nakakaramdam ka ng kakaiba, maglagay na rin ng asin. Tama na siguro sa isang maliit na bote.

Oo nga pala! Pagkasaboy mo ng asin, wag mong wawalisin. Hayaan mo s’yang mawala na lang ng kusa. Cguro the next day, pwede mo ng walisin yung sinaboy mong asin kung me natitira pa.

Love problem? Problema sa kaibigan? Sa school? Sa pamilya? Sulat na kay Dear Ate Kyeme sa dearatekyeme@newscentral.ph!

Comments

MOST READ POSTS