Wala ng time si girl kay boy

February 14 2017 4:18 PM

ate kyeme-01

Dear Ate Kyeme,

Hello po sa lahat ng staff ng newscentral.ph. Happy Valentine’s!

I’m Roman, 22 years old, of Pandacan. Manila, at isang nurse.

May girlfriend po ako na isang singer na unti-unting sumisikat na ngayon sa showbiz. Three years na po kami. Wag na lang po natin syang pangalanan.

Noong una ay madalas kaming magkita. In fact, twice a week may date po kami lagi — dinner, watch movie, or stroll lang kung saan saan. Ganito po ang sked namin kasi nga sa nature ng work namin at pareho rin kaming busy.

Basta magkasama kami. OK na!

Pero lately mukhang affected na ang sked ng pagkikita namin. Naiba na ang oras ng shift ko at sya naman ay parami ng parami ang offers. May offer pa nga sya na kumanta sa Brunei, Japan, US at Canada.

May mga panahon na wala na talaga kaming date at text text na lang kami ng sweet nothings!

Parang kulang na ang oras namin sa isa’t isa. Lagi lang nya akong ina-assure na love pa rin nya ako whatever happens daw. And that ako pa rin daw lagi ang nasa puso nya.

Miss ko na sya Ate Kyeme at feel ko unti-unti ng nawawala ang pag-iibigan namin. Ano po kaya ang gagawin ko?

Thanks Ate Kyeme and more power!

Dear Roman,

Happy Hearts Day!

Nakakatuwa naman kayo at pareho kayong successful. Parang nakikini-kinita ko na kung paano nag-grow ang relationship nyo hanggang maging successful kayo sa inyong mga karera.

Pero nakakalungkot dahil sa pag-agos ng relasyon nyo at karera, mukhang may naiiwan at may hindi nakakasabay. Parang sobrang busy nyo na rin ngayon sa isat isa.

Siguro ang pinakamaganda nyong gawin sa ngayon ay pag-usapan ang bago nyong schedule.

WAG NA WAG MUNANG MAG COOL OFF! Sa nakikita ko naman, pwede pang pagusapan ang lahat kasi in-love pa rin naman kayo sa isat isa.

At saka siguro sa isang relationship wag dapat tayong maging insecure kung ang isa man ay nakaka-angat.

Yung GF mo naman mukhang focus talaga sya sa kanyang career. Kaso nga lang, ready na ka ba sa isag sitwasyon na malalayo sya sa’yo pansamantala?

Dapat maging supportive ka sa career ng GF mo. Ikaw ang unang dapat matutuwa sa mga nangyayari sa kanya.

Device a new schedule para maging matatag ang relasyon ninyong dalawa. Hindi na uubra yung twice a week na date dahil nga ibang iba na ang sitwasyon ngayon.

May panahon pa Roman para mapaigting ang relasyon ninyo! Make her feel kung ano talaga ang nararamdaman mo sa mga nangyayari ngayon.

Sana maayos na ang lahat para maging masaya na uli ang  love life ninyo.

Comments

MOST READ POSTS