Mga dapat gawin sa pagsalubong ng Chinese New Year

January 16 2017 9:37 AM

Ang  Chinese New Year ay isang mahalagang selebrasyon dahil ito ay tanda ng bagong simula.
Tuwing sumasapit ang ganitong okasyon, palagi tayong gumagawa ng mga ritual o pamahiin upang  tayo ay kapitan ng swerte at hindi malasin sa buong taon.
Kaya narito ang ilang practical tips  sa pagsalubong sa bagong taon, to welcome prosperous and positive vibes:
Huwag gumawa ng anumang house cleaning sa panahon ng unang araw ng Chinese New Year.
Pinaniniwalaan na ang paglilinis sa Chinese New Year ay nagtataboy ng goodluck.
Magsagawa ng isang seremonya na tinatawag na Qi Cleansing Ritual. Ito ay isang space clearing ceremony na mag-aalis ng lahat ng mga stagnant at negative energy mula sa iyong bahay o opisina at mapapalitan ito ng positive energy.
 
QI Cleansing Ritual
• Tumayo sa gitna ng iyong tahanan, silid o workspace.
• Alisin ang lahat ng gumugulo sa iyong kaisipan at saloobin.
• Gumamit ng singing bowl, ringing bells or gong upang mag-ingay sa iyong bahay.
• End the ceremony sa pamamagitan ng pagsindi ng incense sa area kung saan ginawa ang ritual.
• Sa Chinese New Year’s Eve, i-enjoy ang isang dinner kasama ang iyong pamilya bilang simbolo ng closeness and intimacy. Maglagay ng isang mangkok na puno ng mandarin oranges sa inyong table at ibahagi ito sa lahat ng taong dumarating sa inyong bahay to celebrate the Chinese New Year. Ang mandarin orange ay simbolo ng prosperity, good fortune and longevity.
• Kung may pagkakataon ay bisitahin din ang iyong mga kaibigan at i-enjoy ang araw na ito kasama sila.
 
Si Master Hanz Cua ay isang full blooded Chinese na eksperto sa Chinese Astrology, Bazi at Feng Shui, pati na sa face and palm reading.
Upang malaman  ang  iyong kapalaran, pagibig, pera, trabaho at kalusugan  sa Year of the  Fire Rooster, bumili ng Master Hanz  Cua Feng Shui 2017 Book.

Comments

MOST READ POSTS