Mga pinagbabawal gawin sa Chinese New Year

January 16 2017 11:56 AM

Kung may ritwal at paghahandang dapat gawin sa Chinese New Year, mayroon din namang ipinagbabawal gawin upang tiyak na ang pagpasok ng swerte sa inyong kabuhayan sa Year of the Rooster.

Taboo words– ang mga salitang negatibo ang kahulugan ay dapat iwasan dahil kung anong sabihin mo sa araw na iyon ay babalik sa ‘yo the whole year.

Pag-inom ng gamut o pagpunta sa ospital– kung hindi naman dahil sa malubhang sakit, ang mga tao ay hindi dapat uminom ng gamot. Sila ay maaaring magdusa o magkasakit sa susunod na taon.

Breaking – Huwag magbasag o magsira ng mangkok, plato, baso o salamin. Ito ay maaring magresulta sa pagkawala ng pera o sirang pamilya sa hinaharap.

Paglalaba ng damit – Ang unang dalawang araw ng new year ay itinutuuring na kaarawan ng Water God. Kung lalabahan mo ang damit mo sa mga araw na iyon, ang diyos ay mao-offend.

Pagwawalis – Sa unang araw ng new year ay bawal magwalis dahil pinaniniwalaang tatangayin nito ang swerte para sa susunod na taon.

Pag-iyak– Pinaniniwalaan na ang iyak ng bata ay magdadala ng malas sa buong pamliya.

Pangungutang at pagpapahiram– Huwag ipahiram o humiram ng anumang bagay sa unang araw ng unang buwan, lalo na ang pera. Ang pagpapahiram ng pera ay nangangahulugan ng pagkawala ng material na bagay at pagkakaroon ng mahinang kabuhayan sa susunod na taon.

Meat bilang almusal –ang hindi paghain ng karne sa umaga ay pagpapakita ng paggalang sa mga diyos ng Buddhist. Si Buddha ay vegetarian at ayaw n’yang magharm ng animals. Buddha loves every living things.

Bigasan na walang laman– Ang rice jar ay sumisimbolo sa mga living standards ng mga tao. Kaya pag puno ang rice jar bago ang New Year’s eve, ito ay isang paraan upang i-attract ang healthy financial status para sa taong 2017.

Wake-up call – Ang taong natutulog ay hindi dapat gisingin ng iba sa unang araw ng 2017. Ang paggising sa taong natutulog ay nangangahulugan ng palaging pagkapagod sa trabaho. Lagi siyang uutusan at hindi siya titigil sa pagkayod sa taon na iyon.

Taking afternoon nap-Aang mga taong natulog ng hapon ay pinaniniwalaang magiging tamad sa buong taon.

Pagsusuot ng lumang damit o pagsusuot ng black and white – Magsuot ng bagong damit sapagkat nangangahulugan ito ng bagong simula. Ang lumang damit naman ay sumisimbolo sa kahirapan. Ang itim at puting damit ay applicable lamang sa okasyon na tulad ng funerals at pagluluksa. Samakatuwid, ito ay hindi nararapat isuot sa araw ng pagdiriwang. Kaya ugaliin na bumili ng bagong damit every new year. Mas mainam kung kulay pula.

Si Master Hanz Cua ay isang full blooded Chinese na eksperto sa Chinese Astrology, Bazi at Feng Shui, pati na sa face and palm reading.
Upang malaman ang iyong kapalaran, pagibig, pera, trabaho at kalusugan sa Year of the Fire Rooster, bumili ng Master Hanz Cua Feng Shui 2017 Book.

Master Hanz Feng shui-01

Comments

MOST READ POSTS