Mga ritual at kasanayan sa pagdaraos
ng 2017 Chinese New Year

January 16 2017 9:43 AM

Sa pagdiriwang at pagsalubong ng bagong taon, magsuot ka ng pulang damit, dahil ang red ay isang masayang kulay.
Ang taong magsusuot ng pula ay magkakaroon ng bright future for 2017.

Ilagay ang lahat ng matatalim na bagay tulad ng gunting, kutsilyo at blades sa isang lugar na hindi madaling makita. Ang mga item ay maaaring pumilas ng swerte at considered na malas sa New Year.

Ang pagbabayad ng utang at bills ay isang positibong gawain.
Kung hindi mo kayang bayaran agad ang lahat ng iyong utang, isa-isahin ito bilang simbolo ng positibong aksyon.

Kung ikaw ay single sa huling araw ng bagong taon, ay pumunta ka sa isang ilog, lawa o karagatan at itapon ang prutas bilang paraan ng pag-akit ng isang maganda o gwapong asawa.

Sa China, inihahagis ng mga kababaihan ang dalandan sa tubig, habang ang mga lalaki naman ay naghahagis ng mansanas.
Ang fireworks ay ginagamit upang itaboy ang evil spirits at makakuha ng magandang kapalaran.

Isa rin sa mga tradisyon na ginagawa kapag Chinese New Year para maitaboy ang bad spirit ay ang pagdedecorate ng upside down fu, dui lian, lanterns, dragon, door gods, mga emperors at figurine ng maswerteng zodiac sa taon na iyon –its Rooster for 2017.

Fish is a must in celebrating the Chinese New Year. Ang pagkain ng isda sa New Year will bring good luck in the coming year. As well as dumplings, spring rolls and rice cake like tikoy and biko. Sinisimbolo nito ang isang malagkit at madikit na pagsasama.

Ang pagdarasal sa templo during Chinese New Year ay sinasabing isang blessed activity at magle-lead ito sa isang smooth new year.

Si Master Hanz Cua ay isang full blooded Chinese na eksperto sa Chinese Astrology, Bazi at Feng Shui, pati na sa face and palm reading.
Upang malaman ang iyong kapalaran, pagibig, pera, trabaho at kalusugan sa Year of the Fire Rooster, bumili ng Master Hanz Cua Feng Shui 2017 Book.

Comments

MOST READ POSTS