Scenes from 2015: Adobo Mix

 

By Abbie Escarilla, Isabel Doria

Pulitika at “AlDub” ang namayagpag ngayong 2015. Muling balikan ang mga balitang ito atbp. sa NewsCentral.PH:

Image from Akbayan Partylist Facebook pageRepresentatives Walden Bello and Ibarra Gutierrez (Image from Akbayan Partylist Facebook page)

Akbayan sa NTC: Oportunista at buwitre

Tinawag na oportunista at buwitre ng Akbayan partylist ang mga miyembro ng National Transition Council (NTC). Kanilang binatikos ang NTC na isinisisi kay Pangulong Benigno Aquino ang pagkamatay ng 44 na Special Action Forces (SAF) Officers sa Mamasapano Massacre. Ang NTC ay umano’y alyansa ng mga tagasuporta nina Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Janet Lim-Napoles.

FULL STORYImage from Terry Ridon Kabataan Partylist Facebook pageImage from Terry Ridon Kabataan Partylist Facebook page

Makabayan bloc hindi magso-sorry

Ipinahayag ng Makabayan bloc na “hindi sila magso-sorry” matapos nilang magsagawa ng kilos-protesta sa loob ng session hall kung saan nagaganap ang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Benigno Aquino. Iginiit ni Rep. Terry Ridon ng Kabataan Partylist noong Hulyo 27 na constitutional right nila ang maghayag ng saloobin tungkol sa gobyerno.

FULL STORYScreengrab from feelthedistinction Youtube accountScreengrab from feelthedistinction Youtube account

May-ari ng Victoria Court, patay sa plane crash

Nasawi si Archimedes King, may-ari ng Victoria Court chain of motels, nang bumagsak ang kanilang private plane sa Cuenca, Batangas noong Hulyo. Namatay rin ang piloto, si Jun Taborlupa. Sugatan sina Ling ling King, asawa ni King, Tina Ocampo, Rico Ocampo, Arthur San Diego, Christopher Chilip at Patricia Chilip.

FULL STORYImages from historycommons.org and Google mapsImages from historycommons.org and Google maps

Lalake, pinugutan ng Abu Sayyaf; 2 miyembro ng Coast Guard dinukot

Noong Mayo, pinugutan ng ulo ang cellular inspector na si Jackri Jargi ng mga Abu Sayyaf matapos itong dukutin sa Mohammad Ajul, Basilan. Dinukot rin ng mga pinaghihinalaang kasapi ng Abu Sayyaf sa Dapitan ang 2 miyembro ng Philippine Coast Guard at isang Barangay Chairman ng Zamboanga del Norte.

FULL STORYFile image from Rody Duterte Facebook pageFile image from Rody Duterte Facebook page

People power para sa pagtakbo ni Duterte sa 2016 ilulunsad

Noong Setyembre, nanawagan ng People Power ang mga tagasuporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang makumbinse siyang tumakbo bilang Pangulo sa darating na halalan sa 2016. Pinangunahan ni North Cotabato Gov. Manny Pinol ang nasabing panawagan.

FULL STORYImages from Google maps and Howief/Wikimedia CommonsImages from Google maps and Howief/Wikimedia Commons

2 patay sa pag-inom ng milk tea sa Maynila

Ikinamatay nina William Abrigo at Suzaine Dagohoy ang umano’y nilason na milk tea sa ErgoCha tea store sa Maynila. Si Arnold Aydalla na kasintahan ni Dagohoy ay swerteng nakaligtas dahil naidura pa niya ang naturang inumin. Hindi kinasuhan si Lloyd Abrigo na suspek sa paglalason sa inumin.

FULL STORYImage from comelec.gov.phImage from comelec.gov.ph

Paghahanda sa eleksyon 2016: Parang finished or not finished pass your paper —- Comelec

Inihalintulad ni Comelec Chairman Andres Bautista ang paghahanda sa eleksyon sa “finished or not finished, pass your papers” na gawi ng mga estudyante. Inamin ni Bautista noong Hunyo na dahil sa pagsasaayos ng mga PCOS machines na ginamit sa eleksyon noong 2010 at 2013, kinunsidera nila ang panukalang magbalik na lamang sa mano-manong botohan sa 2016.

FULL STORYImages from CBCP and Eat Bulaga's Facebook pageImages from CBCP and Eat Bulaga's Facebook page

CBCP nakiuso na rin sa ‘AlDub’ fever

Sa Twitter, ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang “100% na suporta” sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub. Ayon sa kanilang tweet, itinataguyod ng KalyeSerye ng Eat Bulaga ang Filipino marriage moral standards. Umani ng 2 milyong tweets ang #AlDubAgainstAllOdds na sinuportahan ng CBCP.

FULL STORYFile image from GOV.PHFile image from GOV.PH

7.2 magnitude na lindol sa Pilipinas, posible – Phivolcs

Tinaya ng Phivolcs na maaaring tamaan ang Metro Manila at mga karatig-lugar ng 7.2 magnitude na lindol kung gagalaw ang West Falley Fault. Pinaghanda ang publiko sa (damage) na maaaring abutin sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa bansa.

FULL STORYImages from PRIB/Joseph Vidal, Jojo Binay's Facebook page and from City Government of Davao's Facebook pageImages from PRIB/Joseph Vidal, Jojo Binay's Facebook page and from City Government of Davao's Facebook page

Roxas, Poe at Binay taob kay Duterte — LP official

Ani Albay Governor at opisyal ng Liberal Party Joey Salceda, makakayanang talunin ni Rodrigo Duterte sina Mar Roxas, Grace Poe, at Jejomar Binay. Ayon kay Salceda, makukuha ni Duterte ang karamihan ng mga boto kung sabay na tatakbo ang tatlong kandidato. Ikatutuwa rin ito ng Mindanao na magkakaroon na ng kauna­unahan nilang Pangulo.

FULL STORY

Comments

MOST READ POSTS