Astig na Comelec official, bitbit ang anak
para magpa-litrato sa ilang sikat na TV reporter

May 31 2016 12:01 PM

Wild-Guess-5-31-2016Bagama’t astig ang dating ng isang Commission on Election (Comelec) official dahil matapang itong sumagot kapag ini-interbyu ng media, pero pagdating pala sa anak ay sobra itong mabait at maasikaso.

Minsan habang nasa isang press conference ang astig na Comelec official, sa kalagitnaan ng pagsagot nito sa mga tanong ng media, bigla itong nag-excuse, time out daw muna.

Tinawag ng astig na Comelec official ang ang isa nitong staff at sinabihang samahan ang kanyang anak at siguraduhing makakapagpa-litrato ito sa idol nito na TV reporter.

Kasama pala ng astig na Comelec official ang anak sa trabaho dahil noong panahong iyon ay dagsa ang media na nagko-cover dahil sa canvassing na kanilang ginagawa.

Bagama’t aakalain mo na nakakatakot ang astig na opisyal dahil matapang itong sumagot at laging nakataas ang kilay kapag nagsasalita pero hindi lang pala sa kanyang anak maasikaso, madalas din nitong i-kwento ang alaga niyang aso na nami-miss na raw niya dahil halos wala na siyang panahon dito dulot ng pagiging abala sa trabaho.

Ang astig na Comelec official ay dating lokal na opisyal at wala itong takot na kontrahin ang kanilang Chairman.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS