Bagong talagang undersecretary,
nakipaglandian kay Duterte

October 19 2016 9:33 AM

Wild Guess 10 19 2016

Sino itong isang bagong appointee ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapapansin sa Chief Executive sa oath-taking ceremony kamakailan sa Malakanyang?

Hindi naiwasan ng mga protocol officers sa Malakanyang na mainis sa babaeng undersecretary ng isang kagawaran dahil bago pa man nagsimula ang seremonya, pinagsabihan na ang mga ito na bawal ang mag-selfie sa Pangulo.

Bukod dito, pinagsabihan din ang mga appointee na kapag natapos na ang picture-taking sa Pangulo ay kailangan nang mag-exit para mabigyan naman ng pagkakataon ang iba na makapagpa-litrato.

Gayunman, hindi nagpapigil ang bagong undersecretary na magpa-selfie sa Pangulo.

Hindi rin ito agad na umalis sa harapan para mag-exit, sa halip ay nakipag-chikahan pa sa Pangulo na parang close sa isa’t-isa.

Halata ring nakikipag-landian ang bagong undersecretary dahil panay ang pag-hair flip at hampas sa balikat ng Pangulo. Imbyerna ang mga protocol officers at puro irap na lamang ang ginawa sa undersecretary dahil nasira ang flow ng programa.

Sino itong bagong undersecretary na nakipaglandian sa Pangulo?

Clue: Naging kilala ang kanyang mukha noong panahon ng impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona

For more stories on #UAAP79, click http://newscentral.ph/uaap-79/

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS