Gov’t official todo selfie sa abroad

December 1 2016 3:11 PM

Sino itong miyembro ng gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte na todo selfie nang magkaroon ng official visit ang chief executive sa Malaysia?

Pero habang nasa kasagsagan ng pagsi-selfie ang Cabinet member sa opisina ni Prime Minister Najib Razak, biglang nalaglag ang kanyang mamahaling cellphone.

Agad na nagkalat sa sahig ang cellphone ni Cabinet member. Tumalsik ang battery at iba pang bahagi ng gadget.

Gayunman, sa halip na tulungan ang Cabinet member, naghagalpakan pa sa pagtawa ang ibang miyembro ng gabinete ng Pangulo nang makita ang nangyari sa cellpone ng Cabinet secretary.

Sino ang cabinet member na ito? Lagi itong kasama ng Pangulo sa mga foreign trip.

Clue: May katandaan na ang Cabinet member subalit japorms pa rin ito kung manamit.
Katunayan, binanatan pa ng Pangulo ang Cabinet member sa kanyang talumpati sa Malaysia na paurong na ang edad subalit hindi ang kanyang pananamit.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS