Mambabatas, inasar ng kapwa mambabatas

December 1 2016 3:07 PM

Bagamat pabiro, pero medyo naasar ang isang mambabatas sa naging patutsada sa kanya ng kapwa niya mambabatas.

May mahalagang isyung pinag uusapan ang mga magigiting at batikang mambabatas.

Malalim ang kanilang talakayan sa isyu. Kanya-kanyang pahayag ng opinyon ang mga ito.

Sa gitna ng kanilang mainitang talakayan, nakisabat ang isang mambabatas pero medyo dispalinghado ang pananaw nito sa isyu.

Kaugnay nito, pinatutsadahan ito ng isang batikang lawmaker. Sinabihan ito ng ganito, “Ikaw naman maganda ka na gusto mo matalino ka pa.”

Matapos marinig ang naturang patutsada, lumayo na lang ang magandang mambabatas na halatang nasaktan sa biro at hindi na ito nakilahok sa talakayan.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS