Mambabatas nagreklamo makaraang
sandwich lang ang isilbi na pagkain

October 26 2016 9:50 AM

Aktibo ang isang mambabatas na miembro ng Commission on Appointments (CA) sa tuwing may isinasalang na nominee para sa kumpirmasyon.

Lagi itong nagtatanong sa mga nominee para makilatis ng husto ang kwalipikasyon ng mga ito bago i endorso para sa opisyal na kumpirmasyon.

Minsan, sunud-sunod ang mga miyembro ng gabinete na isinalang sa kumpirmasyon kayat mukhang napagod at nagutom ang mambabatas sa pagtatanong

Kaya naman noong makita na sandwich lang ang inihaing pagkain sa kanila ay nagsalita at nagreklamo ang mambabatas

Iginiit nito na bakit sandwich lang ang pagkain samantalang nagtrabaho naman sila ng husto. Pabiro pa nitong sinabi na bakit nagtitipid ang CA gayung may budget naman ito sulit naman kung maghain ng masarap na pagkain dahil sa mahusay na performance ng commission.

Ang mambabatas na nagreklamo makaraang sandwich lang ang ipa- meryenda ay beterano ng politiko, mahilig itong kumain kaya’t medyo malaki ang pangangatawan nito.

For more stories on #UAAP79, click http://newscentral.ph/uaap-79/

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS