Mayamang mambabatas, mahilig
mag-uwi ng mga giveaways

June 21 2016 11:53 AM

Wild Guess 6-21-2016Kahit mayaman na ang isang mambabatas, mahilig pa rin pala itong mag-uwi ng mga giveaways sa eroplano.

Madalas magbiyahe sa ibang bansa ang mambabatas kung saan halos naikot na yata nito at ng kanyang pamilya ang buong mundo.

Dahil sa mayaman, palaging sa business class o kaya ay sa first class sila sa eroplano nauupo.

Minsan, kagagaling pa lang nito sa biyahe abroad ng makipagkwentuhan sa ilang kaibigan. Napagtripan ng mga kaibigan na tanungin ang mambabatas kung ano ba ang laman ng bag ng isang multimillionaire.

Game na game naman ang mambabatas na ipinakita isa-isa ang laman ng kanyang mamahaling bag.

Doon nakita na maraming laman ang bag nito na giveaways sa eroplano tulad ng tissue at wet wipes.

Giit ng mambabatas, sayang naman daw ang naturang mga giveaways kaya tuwing siya ay nagbibiyahe ay kinukuha at binibitbit niya ang mga ito pagbaba ng eroplano

Ang mambabatas na kahit napakayaman pero mahilig manguha ng mga giveaways sa eroplano ay may asawa at anak na mambabatas din.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS