Mister ng isang mambabatas,
kinaaasaran dahil mayabang at suplado

January 17 2017 9:25 AM

Mister ng isang  mambabatas,kinaasaran dahil sa pagiging mayabang at suplado

Kung gaano kabait ang isang mambabatas, tila kabaliktaran naman ang ugali ng mister nito dahil may pagkamayabang at suplado.

Minsan, nag imbita ang mambabatas sa media para sa isang salu -salo at para magkwentuhan na rin. Naunang dumating ang mister ng mambabatas pero, hindi man lang ito lumapit sa mga miyembro ng media para bumati o mag hello man lang. Hindi rin ito nakitang ngumiti.

Nang dumating na ang mambabatas, magiliw itong lumapit sa mga reporter , sumalo sa hapunan at nakipagkwentuhan, habang ang mister nito ay andun lang sa isang hiwalay na mesa kasama ang ilang kaibigan.

Napansin ng media na noong umiikot sa mga mesa ang waiter para mamahagi ng masarap na inumin, tumayo ang mister nilapitan ang media relation officer o MRO ng mambabatas at ito ang inutusan na magdistribute ng drinks.

Walang nagawa ang MRO kung hindi kunin ang tray na may lamang drinks at ito ang namahagi sa media.

Kwento ng isang reporter na nagcover noong kumandidato ang naturang mambabatas na may mga inis nga daw sa mister ng lawmaker dahil mayabang at suplado.

Ang mister na may pagkamayabang at suplado ay hindi mula sa pamilya ng politiko pero may construction company ang pamilya nito. Ang misis nito ang mula sa pamilya ng politiko at minsang nasangkot sa kontroberysa ang ilang miembro ng kanilang pamilya

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS