Opisyal kasama ang ‘GF’ sa Japan trip

November 8 2016 12:18 PM

Sino itong mataas na opisyal ng pamahalaan na may bitbit na kulasisi at sinamantala ang pagha-honeymoon sa Japan kasabay ng official visit kamakailan ng Pangulong Rodrigo Duterte?

Nabatid na nauna pa ng isang araw ang opisyal ng pamahalaan na may katandaan na na magtungo sa Japan bago pa man ang delegasyon ng Pangulo.

Bata at sariwa pa umano ang karelasyon ng mataaas na opisyal ng pamahalaan.

Agad na napansin ng mga kagawad ng media ang relasyon ng opisyal ng pamahalaan sa kanyang umano’y secretary dahil sa extra sweet ito.

Hindi lang mabatid ng mga kagawad ng media kung nagpa-iwan pa ang mag-jowa sa Japan matapos ang official visit ng Pangulo.

Clue: Ang opisyal na ito ay pinuno ng isang sangay ng pamahalaan at may anak na mataas din ang katungkulan sa gobyerno.

For more stories on #UAAP79, click http://newscentral.ph/uaap-79/

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology | Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS