Pulitikong dinedma ng isang kilalang
negosyante noong kampanya, bumawi

June 14 2016 12:37 PM

Wild-Guess-6-14-2016Apat na beses na nagpadala ng text message ang isang mambabatas na tumakbo sa nakalipas na halalan sa isang kilalang negosyante noong panahon ng kampanya .

Pero ni minsan ay hindi sinagot ng negosyante ang mga text messages ng mambabatas hanggang sa natapos ang kampanya ay wala ni isa sa apat na text messages ng mambabatas ang sinasagot ng popular na negosyante.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mambabatas na bweltahan ang negosyante.

Ito ay dahil noong magbalik ang sesyon ng kongreso nabalitaan ng negosyante na may pumigil na mailagay sa agenda ang kanilang franchise bill na nais nilang maaprubahan bago matapos ang sesyon.

Nabatid na nagtext ang negosyante sa mambabatas na dinedma niya noong kampanya , kung saan nagpapatulong ito para masiguro na maika-calendar ang kanilang franchise bill.

Pero gumanti ang mambabatas makaraang hindi rin nito sagutin ang text message sa kanya ng negosyante.

Ang mambabatas na ito ay isa ng senior citizen pero gwapo pa rin habang ang negosyante ay maraming klase ng negosyo ang hinahawakan.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS