TV reporter na may mga bodyguards

May 20 2016 1:47 PM

Wild-Guess-5-19-2016Dalawang matangkad na lalaki na matipuno ang katawan ang bodyguards ng isang kilalang tv reporter.

Bouncer ang dating ng mga ito na laging nakabantay sa tv reporter lalo na sa panahong may coverage sila sa labas

Nang magcover ang TV reporter sa miting de avance kamakailan ng isang kandidato todo bantay sa kanya ang mga bodyguards. Kahit saan pumunta ang tv reporter laging nakasunod ang dalawang lalaki para masiguro ang seguridad nito.

Todo alalay din ang mga ito sa TV reporter kung saan inaalalayan nila ito noong maglakad sa gitna ng maraming tao makaraang matapos na ang miting de avance.

Nabatid na kaya nagtalaga ng bodyguard ang management ng tv station sa kanilang tv reporter ay makaraang pagbantaan ito ng mga supporter ng politikong kanyang tinututukan dahil bias daw ang TV network nito.

Para maprotektahan ang tv reporter sa posibleng pagkuyog at pananakit ng mga agresibo at may pagkabayolenteng supporter ng isang politiko, dalawang bodyguards ang itinalaga na magbantay sa kanya.

Ang TV reporter na may bodyguards ay kilalang malapit sa masa.

For MORE of NewsCentral.PH, click below:
News | Nation | Adobo Mix | Sports | Entertainment | Lifestyle | Business | Technology Trending Now | Wild Guess | Eksena ni Kulot

Comments

MOST READ POSTS