February 2017: Dog

February 14, 2017 11:39 AM

chinese zodiac - dog-01

Career: Compared to January, mas magiging okay ang month na ito para sa inyo. Kung last month ay nagkaroon kayo ng problems sa work and career n’yo, mas makakahinga na kayo ngayon nang maluwag. Ngunit may isang taong naiinis sa’yo sa trabaho dahil napakagaling mo at lahat ng tao ay gusto kang maging ka-close at kaibigan. Isa sa mga co-workers mo ang kakalaban sa iyo at lalabas ang pagiging competitive mo.

Money: Hihina ang kita mo ngayong month hindi dahil sa wala kang customer kundi dahil dumarami ang gastos mo. ‘Wag hayaan na makinabang ang ibang tao sa pera mo. Hayaan mo na sila ang maghanap ng sarili nilang swerte. Mag-vacation mag-isa sa malayong lugar at mag-leave sa trabaho, para tanggal pressure and stress.

Love and Relationship: Sa mga gustong magpakasal, makipag-coordinate na kayo sa wedding planner at ayusin n’yo nang magkasama ang wedding n’yo. Hindi pwedeng isa lang sa inyo ang makikipag-usap sa coordinator. Wedding n’yo ito, ‘wag iasa sa partner n’yo ang lahat. Dalawa kayong magpapakasal, kaya kayong dalawa ang mag-decide.

Comments

MOST READ POSTS