February 2017: Dragon

February 14, 2017 11:25 AM

chinese zodiac - dragon-01

Career: Like last month, average lang din ang luck mo ngayong buwan. Matutong mag-manage ng iyong oras at mag-multitask. Magpakitang gilas sa iyong trabaho para ma-impress mo ang iyong supervisor para itaas niya ang rank mo or bigyan ka ng mas mataas na offer. Maging focus sa trabaho at lakasan ang loob.

Money: Huwag maging magastos sa buwan na ito, dahil mayroon kang malaking bayarin na parating. Itabi ang iyong pera sa lugar na hindi mo s’ya magagalaw. Laging mag-save ng pera for emergency purposes.

Love and Relationship: Para sa mga single, magiging maswerte kayo ngayong buwan na makakahanap ng long-term relationship. Lumabas kasama ang mga kaibigan at mag-party. Sa mga in a relationship, ‘wag kayong masyadong demanding sa iyong partner, magiging mainitin ang ulo n’ya ngayong month at mababawasan ang oras n’ya para sa iyo.

Comments

MOST READ POSTS